Linggo, Agosto 23, 2015

" Ang Paglisan sa tahanang sinilangan at nilakihan ay higit pa kaysa kung mawala ang kalahati ng sariling pagkatao" - Jose Rizal




          Isang masayang karanasan ang aking naranasan ng pumunta ako sa Lungsod ng Maynila, upang hanapin ang mga lugar na pinuntahan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Bagama’t  Iba sa mga lugar na ito ay aking napuntahan na nung ako ay bata palamang ngunit nagbigay parin ito kaligayahan sa aking damdamin na hindi ko makakalimutan.


RIZAL PARK






          Ang una naming pinuntahan ay ang Rizal Park na makikita sa Luneta, Tunay na bantayog at nakakamangha ang paggawa sa  istruktura ng Monumento ni Dr.Jose Rizal.  Ang Monumento na ito ay sumisimbolo sa katapanagan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal upang ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa kastila sa pamamagitan ng talino at pagsulat. Ang kanyang Monumento ay hindi lamang makikita sa ating bansa, maging sa bansa ng tsina at Espanya. Sa pagpunta ko sa kanyang Monumento, makikita ang isang malaking gusali na sumisira sa imahe ng bansang Pilipinas at gayundin sa ating bayani, Nakakalungkot isipin ang pagkawalang respeto ng ating pamahalaan.




FORT SANTIAGO AT METAL NA YAPAK






          Ang pangalawang pinuntahan namin ay ang Fort Santiago na makikita sa loob ng intramuros. Hindi naging madali ang paghahanap namin dito, kininlangan panamin magtanong sa ibang tao at maglakad ng malayo upang makarating dito. Dito sa Fort Santiago ikinulong si Dr.Jose Rizal noong Nobyemre 3 1896. Makikita sa loob ang pinag kulungan ni Dr.Jose Rizal at metal na yapak na kanyang pinaglakaran. Nakakamangha ang loob ng Fort Santiago, para kang bumalik sa kasaysayan ng ating pambansang bayani sa kadahilanan ng lumang istruktura na sa hanggang ngayon ay makikita parin dito. Ang pasukan ng gate ng Fort Santiago ay Napakaganda at tunay na nakakaakit sa mata ng Pilipino pati narin sa mga dayuhan.



Metal na Yapak ni Rizal

 Pasukan ng Fort Santiago





 ATENEO MUNICIPAL DE MANILA


          Ito ay ang dating kinatatayuan ng ATENEO MUNICIPAL DE MANILA , ito ay matatagpuan sa loob ng intramuros. Naging madali ang palalakbay naming dito dahil nagtanong kami sa gwardya na nakasuot na damit ng gwardiya civil. Isa eto sa mga eskwelahan na pinagtapusan ni Dr.Jose Rizal, dito siya nakakakuha ng sobresaliente na grado at nakapagtapos ng Batsiler ng Artes noong 1877. Nagpatuloy siya ng kanyang pagaaral sa Ateneo upang makakuha ng lisensya sa Agsukatlupa (Land Surveying). Nasunog ang gusali ng Ateneo noong 1932, sa ngayon ay makikita mo nalamang ito sa malaking plastic na nakabalot.



UNIBERSIDAD NG STO.TOMAS
 


          Ito ang dating kinatatayuan ng UNIBERSIDAD NG STO.TOMAS, ito ay matatagpuan sa loob ng intramuros. Naging mahirap ang aming karanasan dito, kininlangan panaming magtanong sa ibang tao upang mahanap ang lugar na ito. Dito nag-aral si Dr.Jose Rizal noong 1877 upang kumuha ng kursong medisina, naging maganda ang marka ng kanyang grado ngunit hindi natapos ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa kadahilanan ng pagiging mainit sa kanya ng mga prayle. Sa ngayon makikita nalamang sa dito ay ang malaking gusali na kulay pula. 



Lugar na pinalitisan kay Dr.Jose Rizal 




          Ito ay matatagpuan sa Cuartel de Espanya sa loob ng Intramuros. Naging mahirap ang pagahahanap namin dito, nagpaikot-ikot kami upang mahanap lamang ito at nalaman naming na ang hinahanap naming ay kanina panamin nakikita. Dito sa lugar na ito nilitis si Dr.Jose Rizal sa kasong sedisyon noong Disyembre 26 1896 sa ganap na 8:00 ng umaga. Ang paglilitis kay Dr.Jose Rizal ay isang katunayan ng walang katarungan ng mga kastila.

 
 



Pambansang Museo 




           Ang pambansang museo ay matatagpuan sa tabi ng Intramuros at Rizal Park. Naging madali nalamang ang pagpunta namin dito at pati narin sa paghahanap ng (Gallery V) ng museo. Sa Gallery V ng pambansang museo makikita ang ilan sa mga imahe at eskultura na ginawa patungkol sa kanya. Nakakamangha ang pagkakagawa sa ating pambansang museo, punong-puno ng mga kasaysayan mula pa sa nakaraang panahon.




Paco Cemetery








           Ito ang Paco Cemetery, Dito inilibing si Dr.Jose Rizal matapos siya ay barilin sa bagumbayan noong ika Disyembre 30 1896. Sa ngayon ay wala na ang labi ni Dr.Jose Rizal dito, ito ay inilipat na sa Luneta o tinatawag din nating Rizal Park. Naging madali nalamang ang pagpunta namin dito, nakakapagod ngunit masayang paglalakbay.



Tahanan ni Higino Francisco (Binondo)




          Ang dating kinatatayuan ng tahanan ni Higino Francisco ay matatagpuan sa Binondo, Maynila. Naging madali ang pagpunta naming dito sa kadahilanan ng aming matiyagang pagtatanong sa mga tao na nakaka-alam dito. Isa sa mga lugar na ito ang naging sipi upang iligtas si Dr.Jose Rizal sa pagkakabaril niya sa Bagumbayan. Dito din dinala ang bangkay ni Dr.Jose Rizal nang ito ay kunin na sa Paco Cemetery, bago paman dalhin sa Luneta Park. Sa aming pagpunta makikita pa din ang napakaraming establisemyento na Tsino ang nagmamay-ari. Mapapansin na buhay padin ang Kasaysayan ni Rizal dito.

 





          Sa kuha kong mga litrato makikita ang tunay na kasiganahan ng Pilipinas sa larangan ng kasaysayan, makikita ang kagandahan ng bawat istruktura na gawa sa imahe at paglililok, lalo pa natin itong ingatan at pagyamanin upang makilala pa ng husto ng mga susunod na henerasyon ang kamangha mangha na kasayasayan ng ating pinagmamalaking bansa.




   Aral mula sa Lakbay-Aral:



Marami akong natutunan sa lakbay aral na ito sapagkat mas nakita ko ang kagandahan ng kasaysayan ng ating bansa. Mula sa buhay ni Rizal, naihambing ko ang pamumuhay sa kamay ng mga Espanyol sa kasalukuyan. Nakita ko ang kawalang hustisya noong panahon nila Dr. Jose Rizal. Naunawaan ko ang bawat sandaling naririto si Rizal sa Maynila bago pa man siya bitayin sa harap ng publiko bilang sentensya sa salang hindi naman niya ginawa. Nakita ko ang ginagawa ng ating pamahalaan upang pangalagaan ang importansiya ng bawat makasaysayang lugar sa Maynila.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento